This poem was done overnight...whew!(talagang rush)Thanks God I did it or else, my students will have no performance number in this afternoon's program..(haha..muntik na talaga)
N - U - T - R - I - S - Y - O - N
N - Noon pa man ito na ang ating pinapangarap.
Malusog na katawan, ating hanap-hanap.
Paano kaya natin ito makakamtan?
Halina't pakinggan ang aking mga kaibigan.
U - Unahin na natin ang pagkain ng prutas at gulay.
Upang maging masigla ang araw-araw nating buhay.
Nagbibigay ito nang sigla at lakas sa ating katawan.
Kaya halina't sabay-sabay natin itong tikman.
T - Tayo'y kumain din ng karne, isda at iba pa.
Pandagdag resistensya sa katawan nating maganda.
Sana lahat tayo'y maging ganito kagana.
Sa pagkain nang tama, balanse at masustansya.
R - Resistensyang dulot ng gatas ating kailangan.
Pampahimbing ng tulog at pampalakas din naman.
Ito'y ating ugaliin sa tuwi-tuwina.
Upang katawa'y palaging masigla.
I - Ikaw ba'y marunong ding mag-ehersisyo?
Kailangan mo ito, pampalakas ng ating mga buto.
Ugaliin ito sa araw-araw.
Sa paaralan man o sa inyong bahay.
S - Sapat na tulog at pahinga atin ding kailangan.
Upang trabaho natin ay maging magaan.
Huwag abusuhin ang ating katawan.
Sapagka't kailangan tayo ng bayan.
Y - Yaman itong maituturing.
Kaya kalusugan ay ating intindihin.
Kaya't tayo na, ating pagyamanin.
Tuwing Hulyo, ito'y ating alalahanin.
O - Oo nararapat din nating pakinggan.
Payo ng ating mga magulang.
Ingatan ang ating katawan.
Palagi natin itong aalagaan.
N - Ngayon na, Ngayon na, Ipagsigawan na!
Para sa katawang masigla,
At para sa bayang masagana.
Wastong nutrisyon ipatupad na!
--Teacher Lourdes
No comments:
Post a Comment