ang mga binigyan ng parangal sa Ikatlong Baitang-Earth |
ang pagbibigay ng pangwakas na mensahe sa mga pinarangalan |
"Sa ating butihing punong guro, Gng. Nancy Annie de la Paz, sa mga kaguruan, mga magulang at mga mag-aaral na siyang bida sa araw na ito, magandang umaga sa inyong lahat.
Tapos na naman ang Taong panuruan 2012-2013, at masasabi ko na ito'y naging masaya, maakabuluhan at di malilimutang kabanata para sa ating lahat. At ngayon ay ipinagdiriwang natin ang napakahalagang araw para sa ating mga mag-aaral, ang pagbibigay parangal para sa kanila. Mga bata binabati ko kayo, ang parangal na inyong nakamit at patunay lamang ng inyong pagsisikap at pagpupursige sa pag-aaral. Ipinagmamalaki namin kayo.
At siyempre hindi magiging ganap ang inyong tagumpay kung wala ang tulong ng inyong mga guro na siyang gumagabay sainyo mula ng kayo ay pumasok sa paaralang ito. Palakpakan naman natin sila. Pasalamatan ninyo sila. Bigyan ninyo sila ng Thank you Note man lamang bago kayo magkahiwa-hiwalay ngayong Marso. Palakpakan n'yo rin ang inyong mga magulang na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sainyo nang buong puso. Sigurado akong ipinagmamalaki nila kayo at masayang masaya sila para sainyo.
Sa susunod na taon ay panibagong pakikibaka na naman ang inyong haharapin. Nawa'y magsilbing inspirasyon sainyo ang parangal na inyong nakamit upang lalo pang magsumikap sa pag-aaral. Nawa'y maging huwaran kayo ng bawat mag-aaral ng CRACMES.
Muli binabati ko kayo. Mabuhay kayo! at Mabuhay ang CRACMES!
Maraming salamat po."
--Lourdes R. Cabrilles
Pangulo, Samahan ng mga Guro
No comments:
Post a Comment